TINGNAN | Pangkalahatang Panunumpa ng mga Bagong Halal na Opisyal ng SPTA at Pamunuan ng Kaguruan
Isang bagong yugto ng paglilingkod ang naganap ngayong araw, Agosto 14, 2025 sa Navotas Convention Center! Sama-samang nanumpa ang ating mga bagong halal na opisyal ng SPTA at Faculty Club, kasama ang ating bagong punongguro, Dr. Dondon G. Mateo. Pinangunahan ito ng ating butihing Ama ng Lungsod ng Navotas, Kgg. John Reynald M. Tiangco, sa buong suporta ng LGU Navotas.
Hangad ng ating paaralan ang isang maayos, makabuluhan, at matagumpay na pamumuno—isang pamumunong magsisilbing inspirasyon at gabay para sa kabataan at sa buong komunidad ng ating paaralan.