TINGNAN| PAGBATI SA ISANG NAPAKAHUSAY NA TAGUMPAY!
Malugod na Pagbati sa ating Paaralang Elementarya ng Bangkulasi sa kahanga-hangang mga tagumpay sa larangan ng edukasyon!
GAWAD SULO Numeracy Achievement Award
-Nakamit ang 79.5% ng mga mag-aaral sa transitioning at at-grade-level numeracy proficiency—lampas sa itinakdang 75% benchmark!
GAWAD SULO Key Stage 1 Foundational Literacy Achiever Award -Umabot sa 70.4% ang mga mag-aaral na Grade-Level Ready sa literacy—nalagpasan ang 69% division target!
GAWAD SULO Key Stage 2 Reading Excellence Award
– Nakapagtala ng 93.0% Grade Ready readers sa Filipino at English—higit sa 90% benchmark!
GAWAD SULO Elementary Learning Excellence Award
-Nakamit ang 77.9% Overall MPS—lampas sa 75% learning excellence benchmark!
Learning Gain Achievement
-Isang napakahusay na 38.5 percentage points na pagtaas mula pre-test hanggang post-test!
Ang mga tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon, sipag, at malasakit ng buong komunidad ng paaralan—mga guro, mag-aaral, magulang, at mga katuwang sa edukasyon.
Maraming salamat sa patuloy na suporta at pagtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan!